REPOST : 10 Utos ng Dios
PAGUNAWA
SA SAMPUNG UTOS NG DIOS
Pagbati sa lahat!
Sa pamamagitan nang ipinagkaloob sa akin ng Diwang Banal mula sa Espiritu Santo ay ipinaaabot ko sa inyo ang pag-unawa sa Sampung Utos ng Dios, pagunawa sa bawat isa sa puso at isipan.
Ang mga tunay na Cristiano ay nauunawan nila ang bawat talata na nahayag sa Banal na Kautusan ng Dios. Ngunit ang mga relihiyong may sekta, o nagkabahabahagi ayon sa kautusan at palatuntunan ng tao, na ang mga ito ay karaniwang nakarehistro sa SEC (Securities and Exchange Commission o ahensiyang katumbas sa ibang bansa), na mga nagsipagtayo sa kanikanilang pamamaraan, dogma o doktrina man ay hindi binibigyan ng diin ang kahalagahan ng bawat utos ng Dios.
Ang masaklap, ang unang apat na pangunahing utos sa Sampung Utos ay binaluktot nila sa kanilang mga pangangaral at pagtuturo upang maikubli ang tunay na kautusan at bigyan ng daan ang kanilang interest. Dahil dito natupad ang sinasabi sa Apocalipsis (Revelations) sa huling bahagi, na ang pagbabago, pagalis o pagdagdag ng mga salita sa Banal na Kasulatan ay magaganap nguni't kapusungan sa ebanghelyo ng Panginoon.
(Revelation 22:18 TAB)
Aking sinasaksihan sa bawa't taong nakikinig sa mga salita ng hula ng aklat na ito, Kung ang sinoman ay magdagdag sa mga ito, ay daragdagan siya ng Dios ng mga salot na nakasulat sa aklat na ito:
(Revelation 22:19 TAB)
At kung ang sinoman ay magalis sa mga salita ng aklat ng hulang ito, ay aalisin ng Dios ang kaniyang bahagi sa punong kahoy ng buhay, at sa bayang banal, na nangakasulat sa aklat na ito.
(Exodus 20:1 TAB)
At sinalita ng Dios ang lahat ng salitang ito, na sinasabi,
(Exodus 20:2 TAB)
Ako ang Panginoon mong Dios, na naglabas sa iyo sa lupain ng Egipto, sa bahay ng pagkaalipin.
1
. (Exodus 20:3 TAB)
Huwag kang magkakaroon ng ibang mga dios sa harap ko.
(Exodus 20:3 Vulgate) non habebis deos alienos coram me
(Colossians 3:5 TAB)
Patayin nga ninyo ang inyong mga sangkap ng katawang nangasa ibabaw ng lupa, pakikiapid, karumihan, masamang pita, masasamang nasa, at kasakiman, na iya'y pagsamba sa mga diosdiosan;
(Colossians 3:8 TAB)
Datapuwa't ngayon ay inyo namang layuan ang lahat ng mga ito: galit, kapootan, paghihinala, panunungayaw, mga salitang kahalay-halay na mula sa inyong bibig:
(Colossians 3:9 TAB)
Huwag kayong mangagbubulaan sa isa't isa; yamang hinubad na ninyo ang datihang pagkatao pati ng kaniyang mga gawa,
(Colossians 3:10 TAB)
At kayo'y nangagbihis ng bagong pagkatao, na nagbabago sa kaalaman ayon sa larawan niyaong lumalang sa kaniya:
(Colossians 3:12 TAB)
Mangagbihis nga kayo gaya ng mga hinirang ng Dios, na mga banal at minamahal, ng isang pusong mahabagin, ng kagandahangloob, ng kababaan, ng kaamuan, ng pagpapahinuhod:
(Galatians 5:17 TAB)
Sapagka't ang laman ay nagnanasa ng laban sa Espiritu, at ang Espiritu ay laban sa laman; sapagka't ang mga ito ay nagkakalaban; upang huwag ninyong gawin ang bagay na inyong ibigin.
(Galatians 5:18 TAB)
Datapuwa't kung kayo'y pinapatnubayan ng Espiritu, ay wala kayo sa ilalim ng kautusan.
(Galatians 5:19 TAB)
At hayag ang mga gawa ng laman, sa makatuwid ay ang mga ito: pakikiapid, karumihan, kalibugan,
(Galatians 5:20 TAB)
Pagsamba sa diosdiosan, pangkukulam, mga pagtataniman, mga pagtatalo, mga paninibugho, mga pagkakaalitan, mga pagkakampikampi, mga pagkakabahabahagi, mga hidwang pananampalataya,
(Galatians 5:21 TAB)
Mga kapanaghilian, mga paglalasing, mga kalayawan, at ang mga katulad nito; tungkol sa mga bagay na ito ay aking ipinagpapaunang ipaalaala sa inyo, tulad sa aking pagpapaalaala nang una sa inyo, na ang mga nagsisigawa ng gayong mga bagay ay hindi magsisipagmana ng kaharian ng Dios.
(Galatians 5:22 TAB)
Datapuwa't ang bunga ng Espiritu ay pagibig, katuwaan, kapayapaan, pagpapahinuhod, kagandahang-loob, kabutihan, pagtatapat,
(Galatians 5:23 TAB)
Kaamuan, pagpipigil; laban sa mga gayong bagay ay walang kautusan.
(Galatians 5:24 TAB)
At ipinako sa krus ng mga na kay Cristo Jesus ang laman na kasama ang mga masasamang pita at mga kahalayan nito.
(Galatians 5:25 TAB)
Kung tayo'y nangabubuhay sa pamamagitan ng Espiritu, ay mangagsilakad naman tayo ayon sa Espiritu.
(Galatians 5:26 TAB)
Huwag tayong maging mga palalo, na tayo-tayo'y nangagmumungkahian sa isa't isa, nangagiinggitan sa isa't isa.
Ang salitang dios ay kahalintulad ng salitang kapangyarihan. Samakatwid baga, ang anomang may kapangyarihan na pumapaibabaw sa tao ay tinatawag na dios, gaya ng mga bisyo, pagibig sa kayamanan o salapi, kapangyarihang panlupa, pansariling katanyagan, at iba pa.
Maaaring ginagawang dios ng tao ang kanyang kapwa tao, o isang samahan na hindi niya kayang talikuran dahil sa kanyang personal na pagkakautang na loob, o gawain sa lupa na dahil sa sobrang kaabalahan ay natatalikuran na niya ang kanyang pananagutan sa Panginoon.
2
. (Exodus 20:4 TAB)
Huwag kang gagawa para sa iyo ng larawang inanyuan o ng kawangis man ng anomang anyong nasa itaas sa langit, o ng nasa ibaba sa lupa, o ng nasa tubig sa ilalim ng lupa:
(Exodus 20:5 TAB)
Huwag mong yuyukuran sila, o paglingkuran man sila; sapagka't akong Panginoon mong Dios, ay Dios na mapanibughuin, na aking dinadalaw ang katampalasanan ng mga magulang sa mga anak, hanggang sa ikatlo at ikaapat na salin ng lahi ng mga napopoot sa akin;
(Exodus 20:6 TAB)
At pinagpapakitaan ko ng kaawaan ang libolibong umiibig sa akin at tumutupad ng aking mga utos.
Latin version, (Exodus 20:4 Vulgate) non facies tibi sculptile neque omnem similitudinem quae est in caelo desuper et quae in terra deorsum nec eorum quae sunt in aquis sub terra
(Exodus 20:5 Vulgate) non adorabis ea neque coles ego sum Dominus Deus tuus fortis zelotes visitans iniquitatem patrum in filiis in tertiam et quartam generationem eorum qui oderunt me et faciens misericordiam in milia his qui diligunt me et custodiunt praecepta mea
(Isaiah 46:5 TAB)
Kanino ninyo ako itutulad, at ipaparis, at iwawangis ako, upang kami ay magkagaya?
(Isaiah 46:6 TAB)
Sila'y dumudukot ng maraming ginto sa supot, at tumitimbang ng pilak sa timbangan, sila'y nagsisiupa ng panday-ginto, at kaniyang ginagawang dios; sila'y nangagpapatirapa, oo, sila'y nagsisisamba.
(Isaiah 46:7 TAB)
Pinapasan nila siya sa balikat, dinadala nila siya, at inilalagay siya sa kaniyang dako, at siya'y nakatayo; mula sa kaniyang dako ay hindi siya makikilos: oo, may dadaing sa kaniya, gayon ma'y hindi siya makasasagot, o makapagliligtas man sa kaniya sa kaniyang kabagabagan.
(Romans 1:23 TAB)
At pinalitan nila ang kaluwalhatian ng Dios na hindi nasisira, ng isang katulad ng larawan ng tao na nasisira, at ng mga ibon, at ng mga hayop na may apat na paa, at ng mga nagsisigapang.
(Romans 1:25 TAB)
Sapagka't pinalitan nila ang katotohanan ng Dios ng kasinungalingan, at sila'y nagsisamba at nangaglingkod sa nilalang kay sa Lumalang, na siyang pinupuri magpakailan man. Siya nawa.
(Acts 19:22 TAB)
At nang maisugo na niya sa Macedonia ang dalawa sa nagsisipaglingkod sa kaniya, na si Timoteo at si Erasto, siya rin ay natirang ilang panahon sa Asia.
(Acts 19:23 TAB)
At halos nang panahong yao'y may nangyaring hindi mumunting kaguluhan tungkol sa Daan.
(Acts 19:24 TAB)
Sapagka't may isang taong nagngangalang Demetrio, pandaypilak, na gumagawa ng maliliit na dambanang pilak ni Diana, ay nagbibigay ng hindi kakaunting hanap-buhay sa mga panday;
(Acts 19:25 TAB)
Na sila'y kaniyang tinipon pati ng mga manggagawa ng mga gayong gawa, at sinabi, Mga Ginoo, talastas ninyo na nagsisiyaman tayo sa hanap-buhay na ito.
(Acts 19:26 TAB)
At inyong nakikita at naririnig, na hindi lamang sa Efeso, kundi halos sa buong Asia, ay nakaakit ang Pablong ito at naghiwalay ng maraming mga tao, na sinasabing hindi raw mga dios, ang mga ginagawa ng mga kamay:
(Acts 19:27 TAB)
At hindi lamang may panganib na mawalang kapurihan ang hanapbuhay nating ito; kundi naman ang templo ng dakilang diosa Diana ay mawawalan ng halaga, at hanggang sa malugso ang kadakilaan niya na sinasamba ng buong Asia at ng sanglibutan.
(Revelation 13:14 TAB)
At nadadaya niya ang mga nananahan sa lupa dahil sa mga tanda na sa kaniya'y ipinagkaloob na magawa sa paningin ng hayop; na sinasabi sa mga nananahan sa lupa, na dapat silang gumawa ng isang larawan ng hayop na mayroon ng sugat ng tabak at nabuhay.
(Revelation 13:15 TAB)
At siya'y pinagkaloobang makapagbigay ng hininga sa larawan ng hayop, upang ang larawan ng hayop ay makapangusap, at maipapatay naman ang lahat ng hindi sumasamba sa larawan ng hayop.
(Isaiah 37:19 TAB)
At inihagis ang kanikanilang mga dios sa apoy: sapagka't sila'y hindi mga dios, kundi mga gawa ng mga kamay ng mga tao, kahoy at bato; kaya't kanilang sinira.
3
. (Exodus 20:7 TAB)
Huwag mong babanggitin ang pangalan ng Panginoon mong Dios sa walang kabuluhan; sapagka't hindi aariin ng Panginoong walang sala ang bumanggit ng kaniyang pangalan sa walang kabuluhan.
Latin version, (Exodus 20:7 Vulgate) “non adsumes nomen Domini Dei tui in vanum nec enim habebit insontem Dominus eum qui adsumpserit nomen Domini Dei sui frustra”
(Exodus 3:13 TAB)
At sinabi ni Moises sa Dios, Narito, pagdating ko sa mga anak ni Israel, at sasabihin ko sa kanila, Sinugo ako sa inyo ng Dios ng inyong mga magulang; at sasabihin nila sa akin: Ano ang kaniyang pangalan? anong sasabihin ko sa kanila?
(Exodus 3:14 TAB)
At sinabi ng Dios kay Moises, AKO YAONG AKO NGA; at kaniyang sinabi, Ganito ang sasabihin mo sa mga anak ni Israel, Sinugo ako sa inyo ni AKO NGA.
(Exodus 3:15 TAB)
At sinabi pa ng Dios kay Moises, Ganito ang sasabihin mo sa mga anak ni Israel, Sinugo ako sa inyo ng Panginoon, ng Dios ng inyong mga magulang, ng Dios ni Abraham, ng Dios ni Isaac, at ng Dios ni Jacob: ito ang aking pangalan magpakailan man, at ito ang aking pinakaalaala sa lahat ng mga lahi.
Latin, (Exodus 3:14 Vulgate) dixit Deus ad Mosen ego sum qui sum ait sic dices filiis Israhel qui est misit me ad vos.
4
. (Exodus 20:8 TAB)
Alalahanin mo ang araw ng sabbath upang ipangilin.
(Exodus 20:9 TAB)
Anim na araw na gagawa ka at iyong gagawin ang lahat ng iyong gawain.
(Exodus 20:10 TAB)
Nguni't ang ikapitong araw ay sabbath sa Panginoon mong Dios: sa araw na iyan ay huwag kang gagawa ng anomang gawa, ikaw, ni ang iyong anak na lalake ni babae, ni ang iyong aliping lalake ni babae, ni ang iyong baka, ni ang iyong tagaibang lupa na nasa loob ng iyong mga pintuang daan:
(Exodus 20:11 TAB)
Sapagka't sa anim na araw ay ginawa ng Panginoon ang langit at lupa, ang dagat, at lahat ng nangaroon, at nagpahinga sa ikapitong araw; na ano pa't pinagpala ng Panginoon ang araw ng sabbath, at pinakabanal.
(Matthew 12:1 TAB)
Nang panahong yaon ay naglalakad si Jesus nang araw ng sabbath sa mga bukiran ng trigo; at nangagutom ang kaniyang mga alagad at nangagpasimulang magsikitil ng mga uhay at magsikain.
(Matthew 12:2 TAB)
Datapuwa't pagkakita nito ng mga Fariseo, ay sinabi nila sa kaniya, Tingnan mo, ginagawa ng mga alagad mo ang hindi matuwid na gawin sa sabbath.
(Matthew 12:3 TAB)
Datapuwa't sinabi niya sa kanila, Hindi baga ninyo nabasa ang ginawa ni David nang siya'y nagutom, at ang mga kasamahan niya;
(Matthew 12:4 TAB)
Kung paanong siya'y pumasok sa bahay ng Dios, at kumain siya ng mga tinapay na handog, na hindi matuwid na kanin niya, ni ng mga kasamahan niya, kundi ng mga saserdote lamang?
(Matthew 12:5 TAB)
O hindi baga ninyo nabasa sa kautusan, kung papaanong sa mga araw ng sabbath ay niwawalang galang ng mga saserdote sa templo ang sabbath, at hindi nangagkakasala?
(Matthew 12:6 TAB)
Datapuwa't sinasabi ko sa inyo, na dito ay may isang lalong dakila kay sa templo.
(Matthew 12:7 TAB)
Datapuwa't kung nalalaman ninyo kung ano ang kahulugan nito, Habag ang ibig ko, at hindi hain, ay hindi sana ninyo hinatulan ang mga walang kasalanan.
(Matthew 12:8 TAB)
Sapagka't ang Anak ng tao ay panginoon ng sabbath.
(Matthew 12:9 TAB)
At siya'y umalis doon at pumasok sa sinagoga nila:
(Matthew 12:10 TAB)
At narito, may isang tao na tuyo ang isang kamay. At sa kaniya'y itinanong nila, na sinasabi, Matuwid bagang magpagaling sa araw ng sabbath? upang siya'y kanilang maisumbong.
(Matthew 12:11 TAB)
At sinabi niya sa kanila, Sino kaya sa inyo, na kung mayroong isang tupa, na kung mahulog ito sa isang hukay sa araw ng sabbath, ay hindi baga niya aabutin, at hahanguin?
(Matthew 12:12 TAB)
Gaano pa nga ang isang tao na may halaga kay sa isang tupa! Kaya't matuwid na gumawa ng mabuti sa araw ng sabbath.
5
. (Exodus 20:12 TAB)
Igalang mo ang iyong ama at ang iyong ina: upang ang iyong mga araw ay tumagal sa ibabaw ng lupa na ibinibigay sa iyo ng Panginoon mong Dios.
(Mark 7:10 TAB)
Sapagka't sinabi ni Moises, Igalang mo ang iyong ama at ang iyong ina; at, Ang manungayaw sa ama o sa ina, ay mamatay siyang walang pagsala:
(Mark 7:11 TAB)
Datapuwa't sinasabi ninyo, Kung sabihin ng isang tao sa kaniyang ama o sa kaniyang ina, Yaong mangyayaring pakinabangan mo sa akin ay Corban, sa makatuwid baga'y, hain sa Dios;
(Mark 7:12 TAB)
Hindi na ninyo siya pinabayaang gumawa ng anoman na ukol sa kaniyang ama o sa kaniyang ina;
(Mark 7:13 TAB)
Na niwawalang kabuluhan ang salita ng Dios ng inyong sali't-saling sabi, na inyong itinuro: at nagsisigawa kayo ng iba pang maraming bagay na kawangis nito.
6
. (Exodus 20:13 TAB)
Huwag kang papatay.
(Matthew 5:21 TAB)
Narinig ninyo na sinabi sa mga tao sa una, Huwag kang papatay; at ang sinomang pumatay ay mapapasa panganib sa kahatulan:
(Matthew 5:22 TAB)
Datapuwa't sinasabi ko sa inyo, na ang bawa't mapoot sa kaniyang kapatid ay mapapasa panganib sa kahatulan; at ang sinomang magsabi sa kaniyang kapatid, Raca, ay mapapasa panganib sa Sanedrin; at ang sinomang magsabi, Ulol ka, ay mapapasa panganib sa impierno ng apoy.
(Matthew 5:23 TAB)
Kaya't kung inihahandog mo ang iyong hain sa dambana, at doo'y maalaala mo na ang iyong kapatid ay mayroong anomang laban sa iyo,
(Matthew 5:24 TAB)
Iwan mo roon sa harap ng dambana ang hain mo, at yumaon ka ng iyong lakad, makipagkasundo ka muna sa iyong kapatid, at kung magkagayon ay magbalik ka at ihandog mo ang iyong hain.
(Matthew 5:25 TAB)
Makipagkasundo ka agad sa iyong kaalit, samantalang ikaw ay kasama niya sa daan; baka ibigay ka ng kaalit mo sa hukom, at ibigay ka ng hukom sa punong kawal, at ipasok ka sa bilangguan.
7
. (Exodus 20:14 TAB)
Huwag kang mangangalunya.
(Matthew 5:28 TAB)
Datapuwa't sinasabi ko sa inyo, na ang bawa't tumingin sa isang babae na taglay ang masamang hangad ay nagkakasala, na ng pangangalunya sa kaniyang puso.
(Matthew 5:29 TAB)
At kung ang kanan mong mata ay nakapagpapatisod sa iyo, ay dukitin mo, at iyong itapon: sapagka't may mapapakinabang ka pa na mawala ang isa sa mga sangkap ng iyong katawan, at huwag ang buong katawan mo ay mabulid sa impierno.
(Matthew 5:30 TAB)
At kung ang kanan mong kamay ay nakapagpapatisod sa iyo, ay putulin mo, at iyong itapon: sapagka't may mapapakinabang ka pa na mawala ang isa sa mga sangkap ng iyong katawan, at huwag ang buong katawan mo ay mapasa impierno.
(Matthew 5:31 TAB)
Sinabi rin naman, Ang sinomang lalake na ihiwalay na ang kaniyang asawa, ay bigyan niya siya ng kasulatan ng paghihiwalay:
(Matthew 5:32 TAB)
Datapuwa't sinasabi ko sa inyo, na ang sinomang lalake na ihiwalay ang kaniyang asawa, liban na lamang kung sa pakikiapid ang dahil, ay siya ang sa kaniya'y nagbibigay kadahilanan ng pangangalunya: at ang sinomang magasawa sa kaniya kung naihiwalay na siya ay nagkakasala ng pangangalunya.
Ang pangangalunya ay hindi lamang sa tao kapuwa tao, ito ay masasabing kung ikaw ay may Dios at naglilingkod ka pa sa ibang dios, o mga kapangyarihan sa lupa o mga masasamang bisyo at pita ng laman – ang mga ito ay pangangalunya din naman.
(Matthew 6:24 TAB)
Sinoma'y hindi makapaglilingkod sa dalawang panginoon: sapagka't kapopootan niya ang isa, at iibigin ang ikalawa: o kaya'y magtatapat siya sa isa, at pawawalang halaga ang ikalawa. Hindi kayo makapaglilingkod sa Dios at sa mga kayamanan.
8
. (Exodus 20:15 TAB)
Huwag kang magnanakaw.
9
. (Exodus 20:16 TAB)
Huwag kang magbibintang sa iyong kapuwa.
10
. (Exodus 20:17 TAB)
Huwag mong iimbutin ang bahay ng iyong kapuwa, huwag mong iimbutin ang asawa ng iyong kapuwa, ni ang kaniyang aliping lalake o babae, ni ang kaniyang baka, ni ang kaniyang asno, ni anomang bagay ng iyong kapuwa.
Ang anomang bagay na tinutukoy dito ay katulad ng kapangyarihan, kayamanan, katanyagan.
(Exodus 20:18 TAB)
At nakikita ng buong bayan ang mga kulog, at ang mga kidlat, at ang tunog ng pakakak at ang bundok na umuusok: at nang makita ng bayan, ay nanginig sila, at tumayo sa malayo.
(Exodus 20:19 TAB)
At sinabi nila kay Moises, Magsalita ka sa amin, at aming didinggin: datapuwa't huwag magsalita ang Dios sa amin, baka kami ay mamatay.
(Exodus 20:20 TAB)
At sinabi ni Moises sa bayan, Huwag kayong matakot: sapagka't ang Dios ay naparito upang subukin kayo, at upang ang takot sa kaniya ay sumainyo, upang huwag kayong magkasala.
(Romans 13:8 TAB)
Huwag kayong magkautang ng ano pa man sa kanino man, maliban na sa mangagibigan kayo: sapagka't ang umiibig sa kaniyang kapuwa'y nakaganap na ng kautusan.
(Romans 13:9 TAB)
Sapagka't ito, Huwag kang mangangalunya, Huwag kang papatay, Huwag kang magnanakaw, Huwag kang mananakim, at kung mayroon pang ibang utos, ay nauuwi sa salitang ito, sa makatuwid baga'y Ibigin mo ang iyong kapuwa na gaya ng sa iyong sarili.
(Romans 13:10 TAB)
Ang pagibig ay hindi gumagawa ng masama sa kaniyang kapuwa: ang pagibig nga ay siyang katuparan ng kautusan.
(Romans 13:11 TAB)
At ito, yamang nakikilala ang panahon, na ngayo'y kapanahunan nang magsigising kayo sa pagkakatulog: sapagka't ngayon ay lalong malapit na sa atin ang kaligtasan kay sa nang tayo'y magsisampalataya nang una.
(Romans 13:12 TAB)
Ang gabi ay totoong malalim, at ang araw ay malapit na: iwaksi nga natin ang mga gawa ng kadiliman, at ating isakbat ang mga sandata ng kaliwanagan.
(Romans 13:13 TAB)
Magsilakad tayong mahinhin, gaya ng sa araw; huwag sa katakawan at paglalasing, huwag sa kalibugan at sa kahalayan, huwag sa mga pagkakaalit at pagkakainggitan.
(Romans 13:14 TAB)
Kundi bagkus isakbat ninyo ang Panginoong Jesucristo, at huwag ninyong paglaanan ang laman, upang masunod ang mga kahalayan noon.
(Mark 12:28 TAB)
At lumapit ang isa sa mga eskriba, at nakarinig ng kanilang pagtatalo, at palibhasa'y nalalamang mabuti ang pagkasagot niya sa kanila, ay tinanong siya, Ano baga ang pangulong utos sa lahat?
(Mark 12:29 TAB)
Sumagot si Jesus, Ang pangulo ay, Pakinggan mo, Oh Israel; Ang Panginoon nating Dios, ang Panginoon ay iisa:
(Mark 12:30 TAB)
At iibigin mo ang Panginoon mong Dios ng buong puso mo, at ng buong kaluluwa mo, at ng buong pagiisip mo, at ng buong lakas mo.
(Mark 12:31 TAB)
Ang pangalawa ay ito, Iibigin mo ang iyong kapuwa na gaya ng iyong sarili. Walang ibang utos na hihigit sa mga ito.
(Mark 12:32 TAB)
At sinabi sa kaniya ng eskriba, Sa katotohanan, Guro, ay mabuti ang pagkasabi mo na siya'y iisa; at wala nang iba liban sa kaniya:
(Mark 12:33 TAB)
At ang siya'y ibigin ng buong puso, at ng buong pagkaunawa, at ng buong lakas, at ibigin ang kapuwa niya na gaya ng sa kaniyang sarili, ay higit pa kay sa lahat ng mga handog na susunugin at mga hain.
(Deuteronomy 6:4 TAB)
Dinggin mo, Oh Israel: ang Panginoon nating Dios ay isang Panginoon:
(Deuteronomy 6:5 TAB)
At iyong iibigin ang Panginoon mong Dios ng iyong buong puso, at ng iyong buong kaluluwa, at ng iyong buong lakas.
(Deuteronomy 6:6 TAB)
At ang mga salitang ito, na aking iniuutos sa iyo sa araw na ito, ay sasa iyong puso;
(Deuteronomy 6:7 TAB)
At iyong ituturo ng buong sikap sa iyong mga anak, at iyong sasalitain tungkol sa kanila pagka ikaw ay nakaupo sa iyong bahay, at pagka ikaw ay lumakad sa daan, at pagka ikaw ay nahihiga at pagka ikaw ay bumabangon.
(Deuteronomy 6:8 TAB)
At iyong itatali na pinakatanda sa iyong kamay at mga magiging pinakatali sa iyong noo.
(Deuteronomy 6:9 TAB)
At iyong isusulat sa itaas ng pintuan ng iyong bahay at sa iyong mga pintuan-daan.
(Leviticus 19:18 TAB)
Huwag kayong manghihiganti o magtatanim laban sa mga anak ng inyong bayan, kungdi iibigin ninyo ang inyong kapuwa na gaya ng sa inyong sarili: ako ang Panginoon.
Unawain mo ito, kapatid, na ang unang apat sa Sampung Utos ng Dios ay nangangahulugang patungkol sa Dios at isinulat ayon sa priority, kahalagahan at degree o level bilang Banal na Batas ng Dios.
Paano mo nga iibigin ang Panginoon mong Dios kung hindi mo talos ang unang apat na Utos, samakatwid baga’y ang ika-1 hanggang ika-4 sa Sampung Utos ng Dios?
Paano din mo iibigin ang iyong kapuwa gaya ng iyong sarili kung hindi mo nalalaman ang ika-5 hanggang ika-10 sa Utos ng Dios?
At kung paano mo pahahalagahan ang PAGIBIG kung hindi mo matanggap na ang pinagmumulan nito ay sa pagkaunawa at pagganap sa 10 Utos ng Dios o sa dalawang pangulong utos na sinalita ng Panginoong JesuCristo?
At mayroon pang mga bagay, magsaliksik sa Banal na Kasulatan upang iyong maalaman ang hiwaga ng ebanghelyo ng Panginoong JesuCristo sa pamamagitan ng inspirasyon mula sa Espiritu Santo na ipinagkakaloob ng Dios Amang Makapangyarihang sa lahat.
Sumaiyo ang biyaya at kapayapaan ngayon at magpakailan man.
Ito ay binuo sa pamamagitan ng kapangyarihang ipinagkaloob ng Diwang Banal na nasulat sa I Corinto kabanata 12, 13, 14.
No comments:
Post a Comment