ANG KASAYSAYAN NG TATLONG PERSONAS
Naglakad naman ang tatlong persona. Noong silay naglalakad ay dumating sila sa isang lugar na kaharian ng mga bato. Ang mga bato ay kasing lalaki ng malalaking Palasio. Ang mga bato ay nagsigulong na patungo sa tatlong persona , nagsalita ang tatlong nang ganito:
MA_ _ _ _M MACABAM MEABITAM CARTIPIN OCLEM D.D.D EGNIAMGUBRAM DEI SURUPLAM RETRIBUT S_ _ _ _I. Sa sinabing ito ng tatlo ang mga bato ay nagkadurog-durog at naging mga punoy kahoy at mga damo na may ibat ibang kulay..
Naglatuloy ang tatlo sa kanilang paglalakad walang anu anu ay nakakita sila ng isang kalapati na may dalang bulaklak sa tuka. Sa gayon ay nagsalita ang Diyos Ama. Walang ibang makagagawa ang anoman kungdi tayong tatlo lamang, nagsalita naman ang Espirito Santo: “ Makagagawa ako ng higit sa ating nakita. At nagsimulang gumawa ang tatlo..
Sinubukan nilang palubugin ang bundok na kanilang natanaw ay di lumubog,Pinilit nila patuyuin ang tubig ay di nila natuyo. Ginawa nila ang mga punong kahoy na maging ibon na katulad ng kanilang nakita ay ay hindi nila magawa. Pinag isa nila ang kanilang tatlong kapangyarihan ay wala rin nangyari. Sa gayo’y nagsalita ang Infinito Dios.KUNG HINDI NINYO AKO TATAWAGIN AY WALA KAYONG MAGAGAWA. Hindi makapaniwala ang tatlosa kanilang narinig, sa gayoy nagsalita muli ang tinig:
AKO ANG IYONG DIOS AT KUNG IBIG NINYONG MAKILALA AY MASDAN NINYO ANG SANGKALUPAAN, ANG MGA KABUNDUKAN AT ANG MGA KARAGATAN. Nagmasid ang tatlo at walang ano- ano ay biglang kumidlat at kumulog at biglang nag dilim ang sangtinakpan at ng muling nagliwanag ay wala na ang sang kalupan , ang mga kabundukan ay gayon din ang karagatan at walang makitang anoman maliban sa alapaap at mga panginoorn. Ang tatlo ay nagtaka at nagsipanggilalas, kayat ang tanong:
DIYATAT MAY IBA PANG DIOS KAY SA ATIN? Subalit ng samahan sila ng Infinito Dios ang lahat ng bagay na ibigin nila ay nangyari.