
Ganito ang pagkapanganak kay Jesu Cristo.si Maria ang kanyang ina at si jose ay nakatakda ng pakasal.Ngunit Bago Sila nakasal, Si Maria natagpuang nagdadalang tao.(Itoy sa Pamamagitan ng espirito santo) Isang taong matuwid itong si Jose na kanyang magiging asawa ngunit ayaw niya na mapahiya si Maria.kaya pinasya niya ito na hiwalayan ng lihim, Samantalang iniisip ni Jose ito nagpakita sa kanya ang isang Anghel ng panginoon.sabi nito sa kanya. "Jose anak ni david huwag kang matakot na tuluyang pakasalan si Maria. sapagkat siyay naglihi sa pamamagitan ng espirito Santo. Manganganak siya ng isang lalaki at itoy pangalanan mong Jesus, sapagkat siya ang maglilitas sa kanyang bayan sa kasalanan.
NANGYARI ANG LAHAT NG ITO UPANG MATUPAD
Ang sabi ng panginoon sa pamamagitan ng propeta.
Maglilihi ang isang Birhen at manganganak ng isang lalaki
At tatawagin itong EMMANUEL(ang kahulugay kasama natin ang Diyos)
Nang magising si Jose sinunod niya ang utos ng anghel ng panginoon
pinakasalan niya si maria.
Ngunit hindi ginalaw ni Jose si Maria hangang sa maipanganak nito ang isang sanggol na lalaki na pinangalanan niyang "JESUS"