Mga Awit 23
1 Ang
Panginoon ay aking pastor; hindi ako mangangailangan.
2 Kaniyang
pinahihiga ako sa sariwang pastulan: pinapatnubayan niya ako sa siping ng mga
tubig na pahingahan.
3 Kaniyang
pinapananauli ang aking kaluluwa: pinapatnubayan niya ako sa mga landas ng
katuwiran alangalang sa kaniyang pangalan.
4 Oo,
bagaman ako'y lumalakad sa libis ng lilim ng kamatayan, wala akong katatakutang
kasamaan; sapagka't ikaw ay sumasa akin: ang iyong pamalo at ang iyong tungkod,
ay nagsisialiw sa akin.
5 Iyong
pinaghahandaan ako ng dulang sa harap ko sa harapan ng aking mga kaaway: iyong
pinahiran ang aking ulo ng langis; ang aking saro ay inaapawan.
6 Tunay
na ang kabutihan at kaawaan ay susunod sa akin sa lahat ng mga kaarawan ng
aking buhay: at ako'y tatahan sa bahay ng Panginoon magpakailan man.