YHVH_AO

O-Y.H.V.H+X

Tuesday, November 26, 2013

Awit 29 - basahin at Unawain..
 1  Mangagbigay kayo sa Panginoon, Oh kayong mga anak ng makapangyarihan, mangagbigay kayo sa Panginoon ng kaluwalhatian at kalakasan.   2  Ibigay ninyo sa Panginoon ang kaluwalhatiang marapat sa kaniyang pangalan: inyong sambahin ang Panginoon sa kagandahan ng kabanalan.   3 Ang tinig ng Panginoon ay nasa ibabaw ng tubig: ang Dios ng kaluwalhatian ay kumukulog, sa makatuwid baga'y ang Panginoon sa ibabaw ng maraming tubig.   4  Ang tinig ng Panginoon ay makapangyarihan; ang tinig ng Panginoon ay puspos ng kamahalan.   5  Ang tinig ng Panginoon ay bumabali ng mga cedro; Oo, pinagpuputolputol ng Panginoon ang mga cedro ng Libano.   6  Kaniya namang pinalulukso na gaya ng guya: ang Libano at Sirion na gaya ng mailap na guyang baka.   7 Humahawi ng liyab ng apoy ang tinig ng Panginoon.   8  Niyayanig ng tinig ng Panginoon ang ilang: niyayanig ng Panginoon ang ilang ng Kades.   9  Pinapanganganak ng tinig ng Panginoon ang mga usa, at hinuhubdan ang mga gubat: at sa kaniyang templo ay nagsasabi ang bawa't bagay: kaluwalhatian.   10  Ang Panginoon ay naupo sa baha na parang Hari; Oo, ang Panginoon ay nauupong parang Hari magpakailan man.   11  Ang Panginoon ay magbibigay ng kalakasan sa kaniyang bayan; pagpapalain ng Panginoon ang kaniyang bayan ng kapayapaan.
Posted by AO at 10:15 AM No comments:
Email ThisBlogThis!Share to XShare to FacebookShare to Pinterest
Newer Posts Older Posts Home
Subscribe to: Posts (Atom)

Pages

  • Home

Followers

Blog Archive

  • ▼  2013 (2)
    • ▼  November (1)
      • Awit 29 - basahin at Unawain..  1  Mangagbigay kay...
    • ►  July (1)
  • ►  2012 (5)
    • ►  June (3)
    • ►  May (1)
    • ►  January (1)
  • ►  2011 (9)
    • ►  December (1)
    • ►  November (1)
    • ►  October (3)
    • ►  July (1)
    • ►  April (1)
    • ►  January (2)
  • ►  2010 (6)
    • ►  August (1)
    • ►  July (5)
Asnai Omen(asnai.omen@yahoo.com). Travel theme. Powered by Blogger.