Saturday, October 22, 2011

----0 I.N.R.I. 0------

INRI
Narito ang kasaysayan ng Krus. Ang krus ay sagisag,watawat at tanda ng mga kristyano sa pagkat sa krus napako at namatay si Kristo.Iyan ang TANDA at SAGISAG ng matibay na pananampalataya kay Kristo ng buong sangkristyanohan..
bukod diyan ay sinasabi sa kasaysayan na sa taluktok nitong mundo ay may isang Krus na nakabitin..Nagniningning at nagliliwanag.sinasabing sa Krus na ito pinagtibay ang kapangyarihan ng tatlong Persona at sa Krus din na ito pinagtibay ang kanilang SUMPAAN at PAGKAKAISA..
ITO ang CRUX SANCTI PATER BENEDICTE(CSPB)
CRUX SANCTI SIT MIHI LUX NUN
DRACO SIT MIHI DUC(magaling yan sa gamotan)
Sinasabi naman ng iba na ang kahulugan ng C.S.P.B. ay:
VERBOAM SIT CUAM PERUAM BEATUM CRISTUM PATREM VERBUM.
Sinasabi naman sa Misterio Principal na pinagkaisahan ng TATLO ay ang;
TIRIIT CUTIITNE TURIVIVIRE CELEVICTE

Ngayon ay mag patuloy tayo sa apat na letrang nakasulat sa ulunan ng Krus - ang INRI
Ang unang basag o pakahulugan sa apat na titik na ito na sinasabi sa kasulatan ay ang
JESUS NAZARENUS REX JUDAEORUM.

ANG isang lihim na kahulugan na sinasabi ng ibang PANTAS at dalubhasa nang unang panahon inuukol apat na bahagi ng mundo ay ang mga salitang : IGNI NATURA RENOVATOR INTEGRA.. na ang ibig sabihin ay TUBIG,APOY,HANGIN, LUPA.
GANITO ang pakahulugan ng mga Ebreo sa nasabing apat na letra:
IAMMIM NOUR ROUACH IEBESCHAH(TUBIG,APOY,HANGIN, LUPA din)
Sa simbahahan ng MILAN ang ilang puno ng pananampalataya ay ganito ang ibinigay na kahulugan sa X at P
CHRISTI NOMINA TENEL. Iyan ang maikaling kasaysayan ng krus at INRI.

NGAYON ay iba naman aklat ang ating buksan at babasahin ang aklat ng mga hindi KRISTYANO gaya ng INDYO, ng INTSIK
at HAPON..SA India na bayan ng yumaong magiting at bantog na si MAHATMA GANDHI. sa isang matatandang akalat ng pananampalataya na may pamagat na VEDA ,ay may isang pangalan ng kataas taasang lumikha na pinagbubuhatan ng lahat ang
TAD EKAM na sa dakong huli ay pinalitan ng mga salitang BRAHMAN o BRAHMA. ang ATMAN ay isa rin sa mga pangalan ng Diyos na ang ibig sabihin ay hininga,buhay, kaluluwa o sa biglang sabi ay SARILI O AKO(EGO)
Subalit ang pinakadakila sa lahat ng pangalang lihim ay ang O. at A.M at ang A.T.M.(di ko muna ilalahad)
Ang O. at A.M ay pangalan ng kalaki lakihang lumalang ng sangsinukob, na siyang simula at pinagbubuhatan ng lahat.
Ang A.T.M at siya namang pangalan ng makapangyarihang manlilikha- ang Diyos ng sanlibutan at karunungan( iyan ay magaling sa sa lahat ng Depensa)
Sa Tsina naman noong may kulang kulang na apat na libong taon na ngayon ang nakararaan ay may isang banal na aklat ng pananampalataya o relihiyon na ang pamagat ay Y-KING
Ang langit ay siyang kataan taasang panginoon (CHANGTI) ng kanilang banal at matayog na pagsamba. Noon ay hindi pa malay ipinanganak ang bantog ,pantas at dalubhasang intsik na si Confucius. Ang isa pang pangalan ng Diyos na hantungan ng matataas na dalangin at pag samba ng mga INTsik ay ang FOHI.
Ito ang Diyos ng karunungan kabutihan ,kagandahan at katotohanan ayos sa aklat na ito.

Sa Hapon mula pa sa mula ay may dalawang pangalan na ng Diyos na ginagalang at kinikilala.ito ay ang AMIDA at ang OMITH. na ang ibig sabihin ay kataas taasang makapangyarihang di nakikita..
Sa Ehipto naman ang PTHA at ang AMUN ay dalawa ring kilalang pangalan ng Diyos na ginagalang at sinasamba.

Sa PERSYA ay ang HOM at ang SURA
Sa KAALDEA ay ARAOR
sa ETIOPYA ay ATOM, AMUN PTHA at NEPH
sa ESKANDINABYA ay IOUW at ODIN
sa SIRYA ay ASUR at NEBO
sa SAMARYA ay IABE
sa ALEHANDRA ay IAOY at
Sa ABISINYA ay ATOM,NEPH at AMUN....

Ang BRAHMA ng taga India



to be continue.....

No comments: