Sa natapos na mahal na ARAW na ating ginunita ay ating balikan ang paghihirap ni KRISTO Sa KAMAY ng mga Judio ,para sa kaligtasan nating mga tao at BUONG MUNDO... sana po ay maging isang inspirasyon natin at wag kalimutan ang hirap NA PINAG DAANAN ng ating Diyos na buhay, bago natin nasilayan ang tunay na liwanag ng MUNDO....
ANG PAGPAPAHAYAG NI KRISTO NG KANYANG KASAYSAYAN KAY SAN PEDRO,KAY SAN PABLO,
KAY SANCTA BRIGIDA AT KAY SANTA MATILDE
Ang sabi ay ganito….
Nang ako’y manalangin sa halaman ng Getsemani sa Dios na Ama ko, ang dugo ko’y pumatak sa lupa at umagos at bumuhos sa mga halaman at sampu ng mga dahon ay nasulatan dahil sa malaking panghihinayang kung hindi ko masasakop ang lahat ng tao sa sansinukob. Ang bilang ng aking dugong pumatak sa lupa ay pitong laksa, pitong libo pitong daan at pitong pu’t pito, at ako’y napayukayok at ang aking ulo ay sumayad sa lupa.Noon ay siyang paglapit sa akin ng Anghel San Gabriel na taglay ang KALIX na padala ng aking AMA. Ang sino mang kristiano na may dalang larawan ng aking KALIX ay mahahango sa mga labing limang kaluluwa sa Purgaturio at ang sangkabahayanan na gumagamit ng nasabing larawan mangagkakasundo….
Noong akoy dakpin sa halamanan ng Getsemani ang mga judiong dumakip sa akin ay pitong pu at dalawa na pwang sandatahan.Ang bilang ng tampal na dumapo sa aking mukha ay isang daan at walong put tatlo.. ang lura ay tatlong put tatlo at ang kalaghara na tumama sa akong bibig ay tatlompu’t tatlo rin. Labing walong beses akong nasubasob hangang sa dumating sa ilog ng CEDRON at pitong libo pitong daan, tatlopu’t siyam ang bilang ng aking mga haban. Walong judio ang humila sa tali sa liig k.Ng kami’y sumapit sa ilog ng CEDRON ay pinadapa ako sa ilog at ako’y ginawang tulay at pagkatapos ay inihulog akosa kailaliman at ako’y sumukdol sa mga puntod ng matatalas na bato at sa aking pagkapaniin ay nagasgas ang aking mga kamay siko at tuhod at sa batong kinapaniinan ay nalimbag ang aking dalawang kamay at dalawang paa..at pag katapos ay pinaghilahan nila ako.at ini-ahon at muli kaming nagsilakad…
Itutuloy….
Ang karugtong…
August 2, 2011 Martes
Hanggang sa dumating sa punong higuerra at an gang bilang ng aking mga hakbang mula sa nasabing ilog dalawang libo dalawang daan at limamput tatlo. Ang sino man na kristyano na dumamdam sa dinaanan kong hirap at magtaglay ng mga sumusunod na ORACION ay hindi mahaharang saan mang lugar ng masasamang loob, malayo sa element o at hindi masusunog ang bahay,
Naito ang oracion: * ENOREM ETERNORUM ELLORUM AD DEUM EGOSUM ENMARIS SUBTUM PERDEUM*
Noong akoy igapos sa punong higuerra ay maikatlo akong nag buntong hininga. Macalabing dalawa akong ipaghatid hatiran sa isat-isang hukuman. Nang akoy manggaling kay Anas ang bilang ng aking hakbang ay limang libo dalwang daan at pitumpot tatlo, mula kay Anas ay dinala ako kay Kaypas ay inihatid ako kay Herodes, at ang bilang ng aking hakbang ay dalawang libot anim na raan at tatlo.Mula kay Herodes ay binalik ako kay Kaypas at dito ako tinampal ni Malco ng ubos lakas. Mula kay Kaypas ay ipinahatid ako sa hukom na kay Pilato at dito ako hinubaran at iginapos sa isang haliging bato.Dito ang dagok na dumapo sa aking batok at limamput walo. At walong Judio ang humila ng tali sa mga kamay ko at leeg.Ang hampas na dumapo sa aking katawan ay limang libo limang daan at limamput lima, at ng akoy makalagan ay minsan akong hinimatay at apat na Judio ang nagpabangon sakin pagkalugmok at ng akoy makabangon ay pinaupo ako sa isang hamak na bangko at pinatanganan sa akin ang isang tambo at pinatungan ako sa ulo ng isang koronang baging na matinik at inakpan ang aking mukha at bago ako luluraan at tatampalin at saka itatanong sakin kung sino-sino sa akin ay lumura at tumampal. Walo ang tampal na naman ang dumapo sa aking mukha at walong tadyak sa dalawang hita at tagiliran. Ang tinik timino sa aking ulo ay tatlong daan ang nilikhang sugat.
Nang akoy atangan ng KRUS ay walang judio ang bumuhat at nag atang sa akin.Ang kahoy na yaon na ginawang krus ay nag buhat sa bundok ng Libano at ayon ang buto ng kahoy na ibinibigay ng Angel san Gabriel kay Set mula sa paraiso at ipinatanim sa ulonan ng libing ni Adan noong si Set ay utusan ni Adan at pakunin ng gamot sa pagkat siya ay may sakit. Ang bundok ng Libano ay nasa hulo ng ilog Cedron at ang nasabing kahoy na ginawang KRUS sa akin ay ipinataga ng Haring SOLOMON upang gawin patibayan ng kanyang pinatayong TEMPLO subalit hindi na sangkap sapagkat kapos at hindi naman para doon talaga kaya’t ang ginawa ng haring SOLOMON ay ipintapon sa Dagat Adriatiko ngunit gayun na lamang ang panggigilalas ng hari at ng mga anloagi sapagkat ng itapon na ang nasabing kahoy ay biglang nawala pati na ang mga tatal na pinaglabrahan at hindi nila nakita kung saan na nagtungo, tuwing araw ng Viernes ay lumilitaw at sumasadsad ang nasabing kahoy sa pangpang sa may daungan ng hari. Ang ginawa ng haring SOLOMON ay ipinahango sa tubig ang nasabing kahoy at doon pinabaon sa patio ng templo, sa tuwing araw din ng viernes ay lumilitaw sa patio ang ibinaong kahoy kaya inutos ni SOLOMON na kunin at gawing tulay sa ilog ng NIlo na siyang talagang pinagdaraanan ng Reyna Saba.subalit ng dumating sa puno na tulay ang mahal na Reyna ay ayaw yumapak ang kabayo sa nasabing tulay at isang Angel ng Diyos ang nagsabi sa Reyna ng Ganito “Huwag mong pagpahamakang yapakan at tuntungan ng kahoy na ito sapagkat hindi dapat ni salingin ang pang makasalanan at ang tanging paang yan ay ang mga paa na Anak ng Diyos na nagkatawang tao sa lupa na tutubos sa kasalanan ng sangsinukob, kaya ang Reyna Saba ang unang nakaalam ng kahoy na gagawing KRUS, kayat nagpasabi ang Reyna sa haring SOLOMON na may sumasaway sa kanya sa tulay at ayaw siyang paraanin kayat ang ginawa ng hari ay pinatapon sa ilog ngunit sa tuwing araw ng viernes ay sumasadsad sa tapat ng isang babaeng nagngangalang Beatris at ang kahoy at ang kahoy ay dinidikitan na ng talaba ng mahango ng mga judio ang nasabing kahoy na pagpapakuan sa akin at itong babaeng si Beatris ang nagpagawa ng apat na pakong bakal na malaki at hindi pinatulisan at ang gumawa ay ang panday na si Alnasion na bienan ni san Pedro at amang tunay ni Perpetua. Ang mga pako ay hindi tinulisan para maging masakit daw kung ipako at ang panday ang ….
Itutoly……
No comments:
Post a Comment